u/Longjumping-Half-270

▲ 8 r/pinoym2m+1 crossposts

[M, 20] SENIOR

Hello, guys! Gusto ko lang i-share yung nangyari sa'kin kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali.
May senior ako sa college na nakilala ko dahil sa ex-crush ko (kapatid niya). Tawagin na lang natin siyang Kuya.

Si Kuya yung tipo ng tao na sobrang friendly at madaling pakisamahan. Parang kaibigan niya lahat ng makasalamuha niya sa campus. Naging close kami kasi marami kaming mutual friends outside school, tapos madalas din kaming nagkakasama sa mga inuman at parties.
Recently, nag-inuman ulit kami. Siya yung sumundo sa'kin kasi galing siyang campus, tapos malapit lang naman yung school sa bahay namin.

Pagkatapos ng inuman, nag-insist siyang ihatid ako pauwi. Ilang beses ko siyang sinabihan na okay lang at huwag na kasi sobrang layo ng bahay nila sa bahay namin. As in opposite sides talaga ng city. Nahihiya talaga ako kasi sobrang out of way, pero sabi ko na lang sige kasi normal naman sa kanya yung naghahatid at sumusundo ng friends.

Pagdating namin sa tapat ng bahay namin, bago ako bumaba ng sasakyan, bigla siyang nag-open up. Sabi niya gusto niya raw mag-explore with the same sex kahit alam naman daw niyang straight siya. Hindi talaga ako nakapagsalita kasi hindi ko alam kung anong isasagot. Tapos bigla niyang tinanong kung ilan na body count ko at kung anu-ano pang medyo personal na tanong. Sinagot ko naman. After nun, tinanong niya kung game ba raw akong mag-explore with him. Doon na talaga ako natameme. Sobrang lasing ko na nun at ayoko namang gumawa ng kahit ano habang wala ako sa tamang wisyo. Kaya ang nasabi ko na lang, "Pwede na ba akong bumaba? Papasok na ako."
Pumayag naman siya.

Tapos bago ako bumaba, sinabi niya na joke lang daw yun at hindi niya rin naman daw kayang mag-explore kasi straight nga raw siya. Ngayong sober na ako, saka ko lang talaga na-process lahat ng nangyari.

Napapaisip tuloy ako kung baka akala niya na-off ako o baka naisip niyang hindi ako interested. Eh ang totoo, kung hindi lang talaga ako sobrang lasing nung gabing yun, hindi naman ako against sa sinabi niya. Aminado akong gusto ko rin sana. Bukod sa sobrang pogi niya, isa rin siya sa pinakamabait na taong nakilala ko.

Kaya ngayon, hindi ko alam anong gaga-win.
Paano ba magsend ng subtle signs na okay lang sana ako kung gusto niya talagang mag-explore, nang hindi naman ako mukhang assuming? O hayaan ko na lang ba at hintayin kung siya ulit ang mag-open up?

reddit.com
u/Longjumping-Half-270 — 4 days ago