u/stressreliever101

Posible bang mahalin ka ng isang lalaki while at the same time eh pagnanasaan ka niya?

Seryosong tanong men.

Bilang isang babae, ayokong gugustuhin lang ako dahil sa katawan ko.

May ka MU ako. Masasabi kong maswerte na ako sa kanya dahil taglay niya ang mga katangian na hinahanap at gusto ko sa isang lalaki. Bukod pa ron, tanggap niya ako at ramdam ko na tunay ang pagtingin niya sa akin.

Alam ko naman na may taglay na kalibugan ang tao kahit ano pa man at ganon nga kaming dalawa sa isa't isa. Pero hindi kami yong tipong umiikot lang don ang usapan. Nakilala ko siyang hindi siya ganoong klase ng lalaki. Hindi siya hayok na hayok sa tawag ng laman. Kumbaga, may self-control siya. May pangarap sa buhay. Kaya nga jackpot if ever.

Kaya lang, di ko maiwasang isipin na baka katawan ko lang rin ang habol niya. Wala pa naman kaming ginagawa. Wholesome lang lahat pero may mga landian over chats. Pero di rin naman always siyang ganon. May pagka wholesome pa rin naman ang mga pangbabastos niya at di ko naman feel na parang pinuputa ako.

Natural ba na maging ganoon ang lalaki sa babaeng mahal niya? Yung tipong may sexual na kasama sa attraction? Just badly need your thoughts on this po. Thank you!

reddit.com
u/stressreliever101 — 20 hours ago