Para sa isang personal art project lang. Gusto ko gumawa ng music vid eh. And feel ko need ng timelapse shots ng metro manila, yung kita yung araw o buwan at mga buildings na parang laruan. Then na-realize ko na shet anong gagawin ko sa hours na nakababad yung camera habang binabantayan. So yon. Mas okay siguro kung may kasama, might as well, kakwentuhan etc
About the shoot:
- Places I have in mind: BGC-Ortigas bridge, condo rooftop sa Manda, Guadalupe Bridge
- Equipment: Tripod lang at Phone. Wala, wala na kong matinong equipment. Pweds na yan.
- Logistics: Commute at lakad! Magpapanggap tayong indie indie in their 20s na maraming energy at matibay pa mga buto.
- Time and Date: None set yet
About Me:
- Tito
- May body-bag at water tumblr.
- Longhair ngayon
- Overweight pero hindi Obese. Hindi healthy. Mabilis pawisan. Haha
- May mga bisyo
- Big 3, pero mahirap
About You:
- Okay lang mapagod (Tara, minsan lang yan!)
- Okay lang maalikabukan (Kalsada eh)
- Maraming oras tayo na walang gagawin kundi mag-bantay, so okay lang tumambay. Magiinstall ako ng ML kung gusto mo.
- Okay kung nasa creative field. Kung hinde, okay lang din, kahit nagccreate-creative na lang din paminsan minsan. Or basta enjoy sa process